BTS magpapahinga muna matapos ang back to back album

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 12:31 PM SHARE(S):

May long-term break ang K-pop super stars na BTS matapos ang kanilang back-to-back album.

Ayon sa management ng grupo na Bit Hit Entertainment, magkakaroon ng long-term vacation ang grupo.

Ito ang kauna-unahang mahabang bakasyon sa musika ng BTS mula ng sila ay ilunsad bilang K-pop group.

“Group BTS will have its first official long-term vacation since its debut,” sinabi ng Bit Hit Entertainment.

Panahon umano ito upang makapag-recharge ang BTS na naging sobrang busy sa maraming shows.

Ayon sa pahayag, magkakaroon ng kani-kaniyang break ang pitong miyembro ng BTS.

TAGS: BTS, Kpop, long term break, BTS, Kpop, long term break

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.