WATCH: Mga opisyal ng barangay sa QC pinagsusumite ng lingguhang progress report sa paglilinis sa kanilang nasasakupan

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 11:18 AM

Malaking tulong ang mga opisyal ng barangay upang makamit ang deadline sa paglilinis ng mga lansangan sa Metro Manila sa anumang obstrucitons.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga kapitan ng barangay ay pinagsusumite ng progress report kada linggo sa ginagawa nilang paglilinis sa kanilang nasasakupan.

Maliban pa dito ang sorpresang inspeksyon na regular na isinasagawa ng alkalde sa iba’t ibang mga barangay sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na marami namang opisyal ng barangay sa lungsod ang kusang naglilinis sa kanilang lugar.

Katunayan may mga barangay outpost nang natibag at maging covered court na nasa lansangan ay tinibag din.

TAGS: balintawak, clearing operations, quezon city, balintawak, clearing operations, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.