Gobyerno binalaan ng isang kongresista sa pag-apruba sa mga proyekto ng mga Chinese firms sa bansa
Pinaghihinay-hinay ni Magdalo Party-list Rep. Manuel Cabochan ang gobyerno na sa pag-apruba ng mga proyekto ng Chinese firms na nagco-convert sa mga isla ng bansa bilang tourist destinations.
Ayon kay Cabochan, maaaring malagay sa alanganin ang pambansang seguridad kung papayagan ang mga proyekto.
Dapat aniya ay konsultahin mula ang militar at mga security agencies bago pahintulutan ang mga Chinese na mag-develop ng isla.
Paliwanag ng kongresista, kaduda-duda ang motibo ng China at hindi tiyak kung turismo nga ba ang pakay nito sa paggawa ng mga proyekto lalo’t napatunayan na ang pagtatayo ng strategic maritime security sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Dapat anyang matuto na ang pamahalaan na kung ano ang sinasabi ng China sa publiko ay kabaligtaran ng ginagawa nito kaya kung papayagan ang mga aktibidad ay mahuhulog lamang sa bitag ang bansa.
Una nang iniulat ng Philippine Navy ang planong pag-develop ng China sa tatlong strategic islands partikular ang Fuga, Chiquita at Grande Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.