WATCH: Mga lugar na notoryus sa ilegal na droga sa Metro Manila susuyurin ng NCRPO
Tukoy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga lugar sa Metro Manila na talamak pa rin ang kalakaran ng ilegal na droga.
Ang mga ito ayon kay NCRPO chief, Police Maj. Guillermo Eleazar ang patuloy na susuyurin ng pulisya.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Eleazar na ito ang dahilan ng tuluy-tuloy na pagsasagawa ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operations sa iba’t ibang lungsod.
Noong Linggo ng hapon, tatlong drug suspects ang nasawi matapos manlaban sa mga pulis na nagkasa ng SACLEO sa Baseco Compound.
Ayon kay Eleazar, malaking bagay ang inisyatiba ni Manila Mayor Isko Moreno upang malinis sa ilegal na droga at sa mga drug personality ang Baseco.
Tiniyak ni Eleazar na nakatutok ang Manila Police District (MPD) upang makatugon sa hamon ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.