Lola patay, apo sugatan sa landslide sa Buguias, Benguet

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 09:37 AM

Patay ang isang senior citizen habang isa pa ang sugatan makaraang magkaroon ng pagguho ng lupa sa boundary ng Mankayan at Buguias sa lalawigan ng Benguet.

Nangyari ang insidente alas 10:00 ng gabi ng Linggo (Aug. 11) sa Upper Cotcot sa Bangao.

Nakilala ang nasawi na si Gloria Rolando Langawan, 72 anyos habang sugatan ang kaniyang apo na si Ben Rafael Langawan,10 taong gulang.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Rogelio Pedro, Investigation Officer ng Buguias Municipal Police Station natutulog ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay nang mangyari ang landslide.

Natabunan ang lola na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Dinala naman sa Lutheran Hospital ang kaniyang nasugatang apo.

Maliban sa landslide sa Buguias, nakapagtala din ng landslide sa Bokod, Benguet.

Sa datos ng Benguet PDRRMO, 19 na katao ang inilikas bunsod ng pagguho ng lupa at dalawang bahay ang napinsala.

TAGS: benguet, buguias benguet, landslide, benguet, buguias benguet, landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.