LOOK: Namamaho nang sidewalks sa Aurora Blvd. sa Cubao, pinalinis

Nilinis na ang namamahong bahagi ng Aurora Boulevard sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.

Nadismaya si Quezon City Task Force for Transport and Traffic head Ariel Inton nang makita ang madumi at namamaho nang lugar lalo na ang sidewalks.

Ayon kay Inton, mapanghe ang sidewalk dahil ginagawa na itong isang malaking palikuran.

Nakipag-ugnayan si Inton sa kapitan ng barangay sa lugar upang agad malinis ang sidewalks.

Linggo (Aug. 11) ng gabi inabot ng halos madaling araw ang mga truck ng bumbero at mga staff ng barangay sa paglilinis sa sidewalks.

Sinabi ni Inton na mahalagang malinis sa obstruction at sa dumi ang mga sidewalk sa Cubao na isa sa mga matataong lugar sa lungsod.

Read more...