LRT Line 1, nagkaaberya dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente

By Kabie Aenlle December 29, 2015 - 08:12 AM

Kuha ni Chona Yu
Kuha ni Chona Yu

Itinaas ang code RED alert status sa North at South bound ng Light Rail Transit Line 1.

Nagkaaberya kasi ang LRT-1 kaninang alas 5:00 ng umaga, December 29.

Ayon sa mga guwardya sa LRT-Monumento station, kakulangan ng suplay sa kuryente ang problema kaya walang tren na bumibiyahe mula Roosevelt station patungo Baclaran at pabalik.

Dahil dito, tumambak ang pila ng mga pasahero sa Monumento at iba pang istasyon ng LRT.

Pero bago mag alas siyete ng umaga, bumalik na ang suplay ng kuryente kaya’t balik na rin ang operasyon ng LRT Line 1.

 

TAGS: LRT1, LRT1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.