Patas na imbestigasyon sa Iloilo-Guimaras sea accident tiniyak ng DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 08:45 AM

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na magsasagawa ng patas na imbestigasyon sa malagim na aksidente sa Iloilo-Guimaras Strait na ikinasawi ng mahigit 30 katao.

Ikinasa na ng DOTr, sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) ang inter-agency probe sa naturang trahedya.

Tututok ang investigating body sa umiiral na protocols sa pagsuspinde ng paglalayag ng mga motorboat kapag masama ang panahon.

Inaasahang makabubuo ng rekomendasyon para mas maisaayos at mapagtibay pa ang umiiral na rules lalo na sa mga wooden hull motorboat.

Una rito, iniutos ni DOTr Secretary Arthur Tugade na masibak sa pwesto ang mga opisyal ng PCG stations sa Iloilo at Guimaras at MARINA Western Visayas Regional Office para matiyak ang patas na imbestigasyon.

TAGS: coast guard, dotr, Iloilo-Guimaras Strait, sea accident, coast guard, dotr, Iloilo-Guimaras Strait, sea accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.