70-anyos na Pinoy inaresto sa Minnesota dahil sa kasong manslaughter

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 08:21 AM

Isang 70 anyos na Filipino senior citizen ang dinakip sa Minnesota, USA makaraang masawi ang isang bata nang masunog ang van na pag-aari ng Pinoy.

Natupok ang van habang ito ay nakaparada at nadamay sa sunog ang sasakyang katabi nito kung saan mayroong dalawang bata na natutulog.

Isa sa mga bata na nasa loob ng sasakyan at edad 6 na taon ang nasawi.

Habang kritikal ang kondisyon ng kaniyang kapatid na edad 9.

Kasong manslaughter ang kinakaharap ng Pinoy na si Robert Lino Hipolito dahil sa naturang insidente.

Batay kasi sa insiyal na imbestigasyon, nagluluto si Hipolito sa loob ng van gamit ang kaniyang portable stove.

Nakaparada noon ang van niya sa isang mall.

Pero iniwan ni Hipolito ang van dahil may kailangan siyang bilhin sa loob ng mall.

Doon na sumiklab ang apoy mula sa portable stove.

Ang dalawang bata naman ay iniwan saglit sa sasakyan ng kanilang ina dahil mayroon din itong binili sa mall.

Nabatid na sa parking lot ng mall nag-overnight ang van kung saan doon din natulog si Hipolito at kaniyang misis.

TAGS: manslaughter, minnesota, Robert Lino Hipolito, usa, manslaughter, minnesota, Robert Lino Hipolito, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.