Hiling ni Sen. Leila De Lima na mabisita ang inang maysakit hindi na tinutulan ng DOJ
For humanitarian reason, ay hindi tinutulan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na makalabas ng piitan pansamantala si Senador Leila De Lima para mabisita ang kanyang ina sa Iriga sa lalong madaling panahon.
Ayon sa kalihim, sya na mismo ang mag aabiso sa mga state prosecutor na nakatalaga para kasong may kinalaman sa iligal na droga laban sa mambabatas na wag nang tutulan pa sa korte ang hiling ni De Lima.
Sa Agosto 15 nais ni De Lima na mabisita ang maysakit na ina.
Para anya sa humanitarian reasons ang pagsuporta nito sa hiling na furlough ni De Lima.
Una ng naghain ng mosyon sa Muntinlupa RTC Branch 205 ang abugado ni DeLlima kanina para payagan tong bisitahin ang 86 anyos na ina na naka-confine sa isang ospitall sa Iriga City, Camarines Sur.
Nakapiit si Senador De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.