Halos 100 arestado sa SACLEO sa Pasay City

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 06:35 AM

Halos isang daan ang naaresto sa isinagawang simultaneous anti-criminality campaign ng Pasay City Police sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod.

Ikinasa ang operasyon sa iba’t ibang barangay sa nakalipas na magdamag.

Karamihan sa mga nadakip ay pawang sangkot sa ilegal na droga, kabilang na ang mga hinihinalang tulak ng shabu.

May mga naaresto din na lumabag sa ordinansa ng lungsod, kabilang ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar at ang pagsusugal.

Ang mga lumabag sa ordinansa ay isinailalim sa profiling ng pulisya habang ikukulong naman ang mga sangkot sa ilegal na droga.

TAGS: Pasay City, Radyo Inquirer, SACLEO, Pasay City, Radyo Inquirer, SACLEO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.