Sevilla Bridge sa Mandaluyong madaraanan na muli matapos isara nitong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 06:29 AM

Binuksan na muli sa mga motorista ang Sevilla Bridge matapos pansamantalang isara nitong weekend.

Isinara ang tulay na nagdudugtong sa Maynila at Mandaluyong noong Sabadong gabi.

Ito ay para bigyang daan ang pagdaan ng mga crane na gagamitin sa Skyway construction project.

Ngayong umaga ng Lunes, Aug. 12, bukas na muli sa mga motorista ang tulay.

Ang Sevilla Bridge ay naka-konekta sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong at sa P. Sanchez Street sa Sta. Mesa Maynila at libu-libong mga sasakyan ang dumaraan dito kada araw.

TAGS: Mandaluyong, Radyo Inquirer, Sevilla Bridge, weekend closure, Mandaluyong, Radyo Inquirer, Sevilla Bridge, weekend closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.