Luzon apektado pa rin ng Habagat; Severe Tropical Storm binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo August 12, 2019 - 06:27 AM

Apektado pa rin ng Habagat ang Luzon partikular ang kanlurang bahagi nito.

Dahil sa habagat, ang buong Ilocos Region, lalawigan ng Abra, Benguet, Zambales at Bataan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihina hanggang sa katamtamang kalat-kalat na pag-ulan.

Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila, sa Visayas at sa Mindanao, sisilip na ang araw at magkakaroon lamang ng mga isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, ang severe tropical storm na mayroong international name na Krosa ay patuloy na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,745 kilometers east ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 135 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Maliit ang tsansang pumasok sa bansa ang naturang bagyo.

Maliban sa bagyong Krosa wala namang iba pang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.

TAGS: Krosa, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Krosa, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.