San Miguel tinabla ang PBA Finals sa 2-2

By Rhommel Balasbas August 12, 2019 - 12:38 AM SHARE(S):

Naitabla na ng San Miguel sa 2-2 ang PBA Commissioner’s Cup Finals matapos manalo kontra Talk N Text sa iskor na 106-101, sa Game 4, Linggo ng Gabi sa Araneta Coliseum.

Tandem sina June Mar Fajardo at import na si Chris McCullough para sa San Miguel.

Nagtala si Fajardo ng 22 points at seven rebounds habang may 27 points at 22 rebounds si McCullough.

Saludo si San Miguel coach Leo Austria sa kanyang mga manlalaro na anya’y sobrang ‘focused’ at sumunod sa game plan.

Samantala, nanguna naman si Terrence Jones para sa TNT matapos magbigay ng 32 points at nakadagdag din ng 24 points si Troy Rosario.

Muling maghaharap ang dalawang koponan sa para basagin ang tie sa Araneta Coliseum, Miyerkules ng gabi.

TAGS: 2019 PBA Finals, San Miguel, Talk N Text, 2019 PBA Finals, San Miguel, Talk N Text

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.