Patay sa pananalasa ng Typhoon Lekima sa China, umakyat na sa 33
Umabot na sa 33 ang nasawi dahil sa pananalasa ng Typhoon Lekima sa southeastern China.
Ayon sa ulat ng Chinese state media araw ng Linggo, 32 ang nasawi sa Zhejiang province at 16 ang nawawala.
Isa pa ang napaulat na nasawi sa Anhui province.
Nagdulot ng pagragasa ng baha at pagguho ng lupa ang bagyo nang tumama sa Zhejiang umaga ng Sabado taglay ang lakas ng hanging aabot sa 187 kilometro bawat oras.
Sa video footages ng state broadcaster na CCTV, makikita ang ilang mga building na pinatumba ng rumaragasang tubig at gumamit na ng backhoe para matanggal ang mga debris.
Ilan pang mga lugar sa city of Linhai ang nananatiling baha kung saan ang tubig ay umabot sa tuktok ng unang palapag ng mga building.
Isinara rin ang Shanghai Disneyland araw ng Sabado dahil sa banta ng bagyo,
Humina na ang Typhoon Lekima at ngayon ay nasa tropical storm category na lang.
Gayunman, inaasahan pa rin itong magdadala ng mga malalakas na pag-ulan sa northeast China sa mga susunod na raw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.