3 patay sa SACLEO sa Baseco Compound

By Rhommel Balasbas August 12, 2019 - 04:37 AM

Patay ang tatlong suspek matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Baseco Compound, Linggo ng hapon.

Nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang Manila Police District (MPD) sa lugar.

Ayon kay MPD Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., dalawang suspek ang nakipagpalitan ng putok sa Aplaya section ng Baseco Compound.

Isa pa ang nanlaban sa mga pulis sa Parola Compound.

May nasugatan ding pulis matapos tamaan ng bala sa kanyang braso.

Aabot sa 700 indibidwal ang nearesto dahil sa iba’t ibang paglabag kung saan 21 rito ay dahil sa iligal na droga.

Nakumpiska ng pulisya ang aabot sa P340,000 halaga ng droga, walong video karera machines, mga baril at dalawang granada.

Magugunitang ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglilinis sa Baseco Compound mula sa iligal na droga at loose firearms.

Ang Baseco ang sinasabing ‘most-drug affected area’ sa lungsod ng Maynila.

TAGS: baseco compound, Manila Police District (MPD), Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO), baseco compound, Manila Police District (MPD), Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.