ALAMIN: Oil price rollback ngayong linggo

By Rhommel Balasbas August 12, 2019 - 02:25 AM

Nag-anunsyo na nitong nagdaang weekend ang halos lahat ng kumpanya ng langis ng kanilang bawas-presyo para sa linggong ito.

P1.10 ang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel habang P0.50 sa kada litro ng gasolina.

Buena manong nagpatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum alas-2:00 pa lang ng Sabado ng hapon na sinundan ng Cleanfuel alas-4:00 ng hapon ng Linggo.

Bukas, araw ng Martes 12:01 ng hatinggabi epektibo na rin ang rollback ng Caltex na susundan ng iba pang kumpanya alas-6:00 ng umaga.

Bukod sa gasolina at diesel, ang Caltex at Shell ay may bawas din na P1.30 sa kada litro ng kanilang gaas.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay hindi nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: oil price rollback, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.