Gretchen at Marjorie Barretto nagpatutsadahan sa Instagram?

By Rhommel Balasbas August 12, 2019 - 12:06 AM SHARE(S):

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila naganap na patutsadahan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto sa kani-kanilang Instagram bio.

Sa kanyang bio, inilagay ni Marjorie ang ‘Ghost Writer’.

Magugunitang inakusahan ni Gretchen sa isang comment noong nakaraang linggo na mayroong ghost writer ang kanyang pamangkin na si Julia sa naging pahayag nito matapos madawit sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Una rito ay nagpahayag ng sama ng loob si Julia dahil sa umano’y pambubully ni Bea sa kanya sa social media sa pamamagitan ng pag-like nito ng ilang mga larawan na nag-uugnay sa kanya at kay Gerald.

Kahapon, araw ng Linggo, pinalitan ni Gretchen ang kanya namang bio ng ‘Ghost Buster’ na may kasama pang ghost at zombie emojis.

Una pa lang ay mas naging bukas si Gretchen sa pagpapahayag ng suporta para kay Bea na nakatrabaho niya sa seryeng Magkaribal kaysa sa sariling pamangkin.

Sa ngayon ay burado na ang bagong bio ni Marjorie habang nananatili ang kay Gretchen.

TAGS: Bea Alonzo, Gerald Anderson, Gretchen Barretto, Julia Barretto, Marjorie Barretto, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Gretchen Barretto, Julia Barretto, Marjorie Barretto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.