Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon at Western Visayas

Uulanin pa rin ng dahil sa habagat ang ilang bahagi ng Luzon at ang Western Visayas.

Sa weather forecast ng PAGASA na inilabas alas 4:00 ng hapon ng Linggo, Aug. 11, ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat.

Ayon sa PAGASA ang mararanasang malalakas na buhos ng ulan ay maaring makapagdulot ng pagbaha at landslides.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa at makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Read more...