Pangulong Duterte surprise guest sa 50th birthday party ni Robin Padilla

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2019 - 06:18 PM SHARE(S):
Credit: Instagram/@marieltpadilla

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa advance celebration ng ika-50 kaarawan ng aktor na si Robin Padilla sa Makati City.

Idinaos ang sabay na selebrasyon para sa birthday ni Robin at ika-35 kaarawan ng misis niyang si Mariel Rodroguez, Biyernes (Aug. 9) ng gabi sa Raffles Makati.

Sa November 23 pa ang birthday ni Robin pero sinorpresa siya ng party ni Mariel dahil hindi umano sila makakasama ng aktor sa kaarawan nito sa Nobyembre.

Sa kaniyang post sa Instagram ibinahagi ni Mariel ang larawan ni Pangulong Duterte katabi si Robin at may caption na “The biggest surprise of the night … President Rodrigo Roa Duterte!!!!”.

Sinabi rin ni Mariel na naging espesyal ang kaarawan ni Robin dahil sa presensya ng pangulo.

Kasama ng pangulo si Senator Bong Go.

Si Robin ay long-time supporter ni Pangulong Duterte at ni Senator Bong Go.

TAGS: 50th birthday, Mariel Rodriguez, president duterte, robin padilla, surprise birthday party, 50th birthday, Mariel Rodriguez, president duterte, robin padilla, surprise birthday party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.