Kampo ni Miley Cyrus kinumpirma ang paghihiwalay nila ng mister na si Liam Hemsworth

By Dona Dominguez-Cargullo August 11, 2019 - 04:58 PM

Kinumpirma ng kampo ni Miley Cyrus ang paghihiwalay nila ng mister na si Liam Hemsworth.

Ito ay matapos maglabasan ang balitang hiwalayan ng dalawa, walong buwan mula ng sila ay magpakasal.

Sa pahayag ng kinatawan ni Miley, sinabing nagkasundo ang dalawa na maghiwalay habang kapwa nagfo-focus sa kanilang sarili at career.

Nakasaad din sa pahayag na nananatiling ‘dedicated parents’ ang dalawa sa kanilang mga alagang hayop.

Humiling din ang kampo ni Miley ng respeto sa kanilang privacy.

Ang dalawa ay mayroong 16 na alagang hayop kabilang ang pitong aso, tatlong pusa at dalawang baboy.

Noong December 2018 nang ikasal sina Miley at Liam matapos magkakilala noong 2010.

TAGS: liam hemsworth, marriage, Miley Cyrus, relationship, separation, liam hemsworth, marriage, Miley Cyrus, relationship, separation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.