Number Coding suspendido ngayong araw, Aug. 12

Suspendido ang number coding scheme ngayong araw ng Lunes, August 12.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ito ay dahil deklaradong regular holiday ang Aug. 12 bilang pakikiisa sa paggunita sa Eid al-Adha.

Dahil dito, malayang makakabiyahe ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa numbers 1 o 2.

Samantala, nagpa-abiso na rin ang Makati Traffic na suspendido rin ang number coding sa lungsod ngayong araw.

Read more...