P51M halaga ng hinihinalang shabu, narekober sa Northern Samar

By Angellic Jordan August 11, 2019 - 02:50 PM

Nakuha ang hinihinalang shabu sa baybaying dagat ng Biri, Northern Samar Sabado ng hapon.

Batay sa ulat ng Police Regional Office – Eastern Visayas (PRO-8), nadiskubre ng isang mangingisda ang apat na selyadong transparent bag ng umano’y shabu sa bahagi ng Sitio Pagul sa Barangay Pio Del Pilar bandang 2:35 ng hapon.

May bigat ang ilegal na droga ng 7.5 na kilo at nagkakahalaga ng mahigit P51 milyon.

Hindi naman pinangalanan ang mangingisdang nakakita ng kontrabando.

Dinala na ang ilegal na droga sa kustodiya ng pulisya.

TAGS: Barangay Pio Del Pilar, northern samar, Police Regional Office - Eastern Visayas, shabu, Sitio Pagul, Barangay Pio Del Pilar, northern samar, Police Regional Office - Eastern Visayas, shabu, Sitio Pagul

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.