Tumamang lindol sa Surigao del Sur, itinaas sa magnitude 4.4
(Updated) Itinaas sa magnitude 4.4 ang lakas ng tumamang lindol sa Surigao del Sur, Linggo ng tanghali.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 12 kilometers Southwest ng Carrascal bandang 12:52 ng tanghali.
May lalim ang lindol na 7 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 4 sa Cantilan, Surigao del Sur habang Intensity 3 naman sa Carrascal, Madrid at Carmen sa Surigao del Sur.
Samantala, instrumental intensity 1 naman ang naitala sa Gingoog City sa Misamis Oriental.
Ayon pa sa Phivolcs, ito ay aftershock ng yumanig na magnitude 5.5 lindol sa Surigao del Sur noong July 13.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.