Palasyo, tiwalang kayang pangasiwaan ng DOJ at DBM ang bidding process ng PCSO gaming operations

By Chona Yu August 11, 2019 - 02:02 PM

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na kakayanin ng mga kalihim ng Department of Justice (DOJ) at Department of Budget and Management (DBM) na pangasiwaan ang bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi papasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong hakbang kung walang sapat na kaalaman at karanasan ang mga miyembro ng gabinete.

Una rito, sinabi ng pangulo na kanya nang pinag-aaralan na ilagay sa ilalim ng Office of the President ang pangangasiwa sa operasyon ng Peryahan ng Bayan, Keno at small town lottery, at ang kalihim ng DOJ at DBM ang mangangasiwa sa bidding  process sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga kukuha ng lisensya.

TAGS: bidding proseso, DBM, DOJ, Keno, Office of the President, Palasyo ng Malakanyang, pcso, Peryahan ng Bayan, Salvador Panelo, small town lottery, bidding proseso, DBM, DOJ, Keno, Office of the President, Palasyo ng Malakanyang, pcso, Peryahan ng Bayan, Salvador Panelo, small town lottery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.