WATCH: Walang kortesiya ang China sa Pilipinas – Malakanyang

By Chona Yu August 11, 2019 - 01:51 PM

Walang kortesiya ang China sa Pilipinas.

Ito ang naging paninindigan ng Palasyo ng Malakanyang matapos mamataan na dumadaan sa apat na Chinese navy at survey ships sa Sibutu Strait malapit sa Tawi-Tawi.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na walang permission o koordinasyon na ginawa ang China.

Kung may abiso lamang aniya ang China, hindi na dapat na naalarma si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi pa ni Panelo na kung totoong kaibigan ng China ang Pilipinas, bilang kortesiya, dapat ay nagbigay ng paghiwatig na dadaan sa lugar na hindi nila pag-aari.

Sinabi pa ni Panelo, ang problema rin kasi ay inaangkin din ng China ang naturang lugar.

“Kung totoong magkakaibigan tayo, eh siguro as a matter of courtesy between two friendly countries, eh magbigayan tayo. Kung kinakailangang magbigay ng pahintulot, o magbigay man lang ng pahiwatig na ikaw ay daraan doon sa isang lugar na hindi mo pag-aari, ang problema nga sasabihin nila, “eh pag-aari nga namin yan eh.” You see the point? Eh mahirap talagang pag-usapan ang isang bagay na ipagdidiinan mo ang isang karapatan na inaangkin din ng kabila. Kaya talagang the best way pa rin to solve it is pag-usapan na lang natin bilang magkakaibigan,” pahayag ni Panelo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

Maari rin kasi aniyang hindi alam ng pamahalaan ng China o nagkaroon ng neglect kung kaya dumayo sa Sibutu Strait ang kanilang mga barko.

“Alam mo, hindi pa natin alam kung alam ba ng government ng Tsina. ‘Yan ang sinasabi ko na, one, out of neglect. Number two, baka.. for whatever reason eh nangyari ‘yun. Eh kasi sinasabi ni Ambassador Zhao when you’re mildly confronted by that issue before na may nangyari nang bagay diyan. Pebrero. Sinabi ni Ambassador Zhao, that is wrong. So ibig-sabihin, they will not also tolerate kung mali,“ dagdag pa ni Panelo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

TAGS: China, Chinese Navy, courtesy, Pilipinas, Salvador Panelo, sibutu strait, tawi-tawi, China, Chinese Navy, courtesy, Pilipinas, Salvador Panelo, sibutu strait, tawi-tawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.