WATCH: Pangulong Duterte, magiging matigas sa pagdidiga ng Hague ruling sa South China Sea

By Chona Yu August 11, 2019 - 01:10 PM

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na magiging matigas pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdidiga ng The Hague ruling ng Permanent Court of Arbitration na hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea kahit na isinusulong ng Pilipinas ang pagkakaroon ng oil exploration sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na malinaw naman kasi na ang Pilipinas ang may-ari sa West Philippine Sea at maaring ipahiram o ipagamit sa China.

“When you are an owner of something, you can’t be precisely attacked that you are supposed to perform. Kung ikaw may-ari, pwede mong pagamit o pahiram, or pwede na dalawa kayong gumamit. In other words, that very act alone shows na you are the owner kasi pumapayag ka. Dahil kung ‘di naman ikaw [ang] owner, how can you give permission to perform an act on particular thing  which you own if you do not own it,” pahayag ni Panelo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

Ayon kay Panelo, walang double standard sa oil exploration deal sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinabi pa ni Panelo na lahat naman ng problema ay maaring idaan sa mabuting usapin at hindi sa dahas.

“Wala, kasama yun sa ano eh. Merong problema diyan dahil nga pareho kayo nagcclaim eh. Di ba para lang mag-kapitbahay kayo, nag-aaway kayo sa isang bagay, sa gitna ng pag-aari niyo, halimbawa sa isang prutas ng punongkahoy, o di mag-usap na lang kayo kung anong pwede niyo gawin. O kaya sa mga prutas na nandyan sa nasa gitna ng inyong pag-aari niyong lupa. Lahat yun napag-uusapan e. Di naman kailangan daanin sa dahas,” ani Panelo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

Paliwanag pa ni Panelo na kaya sa China lamang nakikipag-usap ang Pilipinas sa oil exploration sa West Philippine Sea dahil sa China lang naman nagkakaroon ng problema.

Pero pagtitiyak ni Panelo, hindi magiging dehado ang Pilipinas sa China dahil magiging 60-40 ang hatian kung saan pumapabor sa bansa.

“Eh unang una di ba sinabi na nga na sila ang nag-offer ng 60-40. Paano magiging dehado? Pangalawa, sinabi na nga ng ambassador ng Tsina na hindi sila hihingi kung matuloy man ng mas malaking bahagi kesa sa Pilipinas,” dagdag pa ni Panelo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:

TAGS: China, permanent court of arbitration, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, South China Sea, the Hague ruling, China, permanent court of arbitration, Pilipinas, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, South China Sea, the Hague ruling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.