2 granada, natagpuan sa isang bahay sa Quezon City

Natagpuan ang dalawang granada sa loob ng isang bahay sa Quezon City, Linggo ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Talipapa police station, narekober ng pulisya ang dalawang hand grenade matapos itong mamataan ni Ma. Luz Ocampo sa kaniyang bahay.

Nakatira si Ocampo sa bahagi ng Eulogia Drive sa Barangay Apolonio Samson bandang 12:30 ng madaling-araw.

Dinala naman ang mga granada sa Explosives and Ordnance Division ng Quezon City Police District (QCPD).

Read more...