Sen. Tolentino, wala pang balak maghain ng panukalang batas para dagdagan ang bituin sa watawat ng Pilipinas
Wala pang balak si Senador Francis Tolentino na maghain ng panukalang batas para dagdagan ng isa pang bituin ang watawat ng Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Tolentino na kanya pang inaaral ang panukala.
Matatandaang noong ika-121 selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Davao City, ipinanukala ni Tolentino na dagdagan ng bituin at gawing apat ang bituin sa watawat para maging simbolo ng Benham Rise, ang island group na nasa northeastern border ng Aurora province.
Katwiran ni Tolentino, kung ipinaglaban noon ng mga ninuno ang Pilipinas, dapat na ipaglaban din ito ngayon ng mga Filipino para sa susunod na henerasyon.
Ayon kay Tolentino, maari rin kasing kinakailangan na amyendahan ang Konstitusyon bago maisulong ang kaniyang pabukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.