Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakababahala ang naturang ulat lalo’t nakaposas pa ang biktimang si Yang Kang.
Inatasan na aniya ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang naturang insidente at tugisin ang supervisor ni Yang na sinasabing ginawang prisoner.
Nakaalarma aniya na dumadami ang kaso ng foreign workers na nakararanas ng pang-aabuso at illegal detention.
Pagtitiyak ni Panelo, hindi hahayaan ng gobyerno ang naturang kalakaran sa kahit na sinumang dayuhan na nagtatrabaho sa bansa.
Hinihikayat ng Palasyo ang mga dayuhan na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag nakararanas ng pang-aabuso o nalalabag ang kanilang karapatang pantao.