Pagkamatay ng isang Chinese sa Las Piñas City, ikinabahala ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 11, 2019 - 11:51 AM

Naalarma si Pangulong Rodrigo Duterte sa ulat na namatay ang isang 27-anyos na Chinese matapos mahulog sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa Pamplona Dos sa Las Piñas City noong Biyernes.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nakababahala ang naturang ulat lalo’t nakaposas pa ang biktimang si Yang Kang.

Inatasan na aniya ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang naturang insidente at tugisin ang supervisor ni Yang na sinasabing ginawang prisoner.

Nakaalarma aniya na dumadami ang kaso ng foreign workers na nakararanas ng pang-aabuso at illegal detention.

Pagtitiyak ni Panelo, hindi hahayaan ng gobyerno ang naturang kalakaran sa kahit na sinumang dayuhan na nagtatrabaho sa bansa.

Hinihikayat ng Palasyo ang mga dayuhan na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kapag nakararanas ng pang-aabuso o nalalabag ang kanilang karapatang pantao.

TAGS: Las Piñas City, Pangulong Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Yang Kang, Las Piñas City, Pangulong Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, Yang Kang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.