Libu-libong Muslim dumagsa sa Quirino Grandstand, Quezon Memorial Circle para sa paggunita ng Eid’l Adha

Libu-libong Muslim ang dumagsa sa Quirino Grandstand sa Maynila at Quezon Memorial Circle sa Quezon City, araw ng Linggo.

Ito ay para makiisa sa paggunita sa Eid’l Adha o ‘Festival of Sacrifice.’

Maaga pa lamang, dagsa na ang mga Muslim sa Quirino Grandstand para magdasal kay Allah.

Sa Quezon Memorial Circle naman, dagsa rin ang mga Muslim.

Agad namang naka-poste ang mga pulis para tiyakin na magiging maayos ang paggunita ng mga Muslim sa Eid’l Adha.

Read more...