Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, patuloy ang pagtutok matapos ang pagsabog sa Libya

By Angellic Jordan August 11, 2019 - 10:42 AM

Photo grab from Philippine Embassy in Libya’s Facebook page

Patuloy ang pagtutok ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Libya matapos ang pagsabog sa isang sasakyan malapit sa shopping sa bahagi ng Benghazi.

Naganap ang pag-atake sa Arkan Mall sa Hawari District kung saan tatlong empleyado ng United Nations Support Mission in Libya (UNSMIL) ang nasawi habang siyam ang nasugatan.

Sa inilabas na pahayag ng embahada, tiniyak nito ang pakikipag-ugnayan sa Filipino Community sa Benghazi.

Wala anilang napaulat na nasawi o nasugatan sa mga Pinoy matapos ang insidente.

Inabisuhan naman ang mga Pinoy sa Benghazi na maging alerto.

TAGS: Benghazi, Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Filipino community, libya, United Nations, UNSMIL, Benghazi, Embahada ng Pilipinas sa Tripoli, Filipino community, libya, United Nations, UNSMIL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.