Bagong bagyo, binabantayan ng PAGASA

By Chona Yu August 11, 2019 - 11:32 AM

Photo grab from DOST PAGASA’s website

Isa pang panibagong bagyo ang binabantayan ng PAGASA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gener Quitlong, ang weather forecaster ng PAGASA na may kalakasan ang Bagyong Krosa dahil taglay ang hangin na 120 kilometers per hour at pagbugso na 175 kilometers per hour.

Pero ayon kay Quitlong, malabong pumasok o mag-landfall sa Philippine Area of Responsbility (PAR) ang Bagyong Krosa.

Ayon kay Quitlong, ang worst case scenario ay maaring umabot lamang sa border line ng PAR ang Bagyong Krosa.

Bagamat hindi papasok sa PAR, magdudulot pa rin ng pag ulan ang Bagyong Krosa sa bahagi ng Ilocos region.

Sa ngayon, sinabi ni Quitlong na nakalabas na ng PAR ang Bagyong Hanna at nasa China na.

Wala aniyang aasahang bagyo sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Makararanas na aniya ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Pilipinas.

TAGS: Bagyong Krosa, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, ulan, Bagyong Krosa, Pagasa, Philippine Area of Responsibility, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.