Sen. Lascon hindi sang-ayaon na tumanggap ang mga pulis ng mga regalo

By Noel Talacay August 11, 2019 - 09:40 AM

Photo grab from @iampinglacson/Twitter

Hindi sang-ayaon si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagtanggap ng mga pulis ng mga regalo.

Batay sa kaniyang post sa Twitter, sinabi nito na nagsisimula ang kasakiman sa simple at maliit na pagnanakaw.

Dagdag pa nito, mas nakakaadik ito kumpara sa droga.

Pinaalalahanan din ng senado ang pangulo na ang pagiging sakim sa salapi o pera ay walang gamot o hindi maaring idaan sa pagpasok sa rehab facilities.

Noong araw ng Biyernes sa pagdiriwang ng ika-118 na anibesaryo ng Police Service ng Philippine National Police (PNP), inihayag ng pangulo na maaring tumanggap ang mga pulis ng mga regalo.

TAGS: PNP, Pulis, regalo, Sen. Panfilo "Ping" Lacson, PNP, Pulis, regalo, Sen. Panfilo "Ping" Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.