3 empleyado ng UN patay, 9 sugatan sa pagsabog sa Libya

By Angellic Jordan August 11, 2019 - 09:00 AM

Patay ang tatlong empleyado ng United Nations habang siyam naman ang sugatan sa pagsabog ng isang sasakyan sa Benghazi, Libya.

Naganap ang pag-atake sa labas ng Arkan Shopping Mall malapit sa Harawi.

Ayon sa mga health official sa lugar, sa naturang mall nagtipon ang ilang katao bago magsimula ang selebrasyon ng Eid’l Adha.

Ayon naman sa Benghazi municipal council, target sa pag-atake ang convoy para sa U.N. Support Mission sa nasabing bansa.

Nagparating naman ng pakikiramay si U.N. Secretary-General Antonio Guterres sa mga naiwang kaanak ng mga biktima.

Humiling din ito ng mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa insidente.

Ayon sa tagapagsalita nito na si Stephane Dujarric, hinihikayat din ni Guterres ang mga otoridad sa Libya na magsagawa ng hakbang para mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa pag-atake.

TAGS: Arkan Shopping Mall, Benghazi, libya, U.N. Secretary-General Antonio Guterres, United Nations, Arkan Shopping Mall, Benghazi, libya, U.N. Secretary-General Antonio Guterres, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.