Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Occidental Mindoro, Linggo ng madaling-araw.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 27 kilometers Southwest ng Looc bandang 5:10 ng madaling-araw.
24 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.