Kim nais na muling talakayin ang nuclear issue ayon kay Trump

Ipinarating ni North Korean leader Kim Jong Un na nais nitong muling makipag-usap kay US President Donald Trump kaugnay ng nuclear issue.

Ayon mismo kay Trump, nais ni Kim na muling pag-usapan ang denuclearization sa pagtatapos ng US-South Korean war games.

Nakasaad umano sa sulat ni Kim ang “small apology” dahil sa missile tests ng Pyongyang.

Nais anyang simulan ni Kim ang usapan sa joint US-South Korean joint exercise sa lalong madaling panahon.

Ang US-South Korea joint exercise na nagsimula noong nakaraang linggo ay nakatakdang magtapos sa August 20.

 

Read more...