Mga grupong sangkot sa pagkawala ng mga estudyante pinagpapaliwanag ni Sen. Bato

By Len Montaño August 11, 2019 - 03:22 AM

Nais ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ugatin ang dahilan ng pagkawala ng mga estudyanteng aktibista.

Ang pahayag ng Senador ay sa gitna ng umanoy recruitment ng mga maka-kaliwang grupo sa mga estudyante para sumanib sa New People’s Army (NPA).

Nais ni Dela Rosa na lumutang na sa pagdinig sa Senado ang mga militanteng grupo na idinadawit sa pagkawala ng ilang estudyante.

Ayon sa mambabatas, dapat magpaliwanag ang naturang mga grupo kaugnay ng pagkawala ng ilang mag-aaral na umanoy naging bahagi ng immersion at namundok.

Sa unang pagdinig ay hindi sumipot ang mga milianteng grupo kaya sinabi ni Dela Rosa na sa pangalawang hearing ay dapat na makapunta na ang mga ito.

Si Dela Rosa ang namumuno sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nag-iimbestiga sa pagkawala ng mga estudyante.

Kabilang sa mga idinadawit na grupo ang Anakbayan at Kabataan Partylist.

Sinampahan na ng kasong kidnapping at ibang reklamo ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CID) ang mga lider ng Anakbayan.

Habang si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ay sinabi na ang mga reklamo ay layong i-harass at patahimikin ang kanilang grupo.

Sa unang pagdinig ay naging emosyunal ang mga magulang ng mga kabataang nawawala.

Sa ikalawang hearing sa Miyerkules August 14 ay inaasahan ni Dela Rosa na darating na ang ipinatawag nilang mga grupo.

 

TAGS: Anakbayan, estudyante, hearing, immersion, Kabataan Partylisy, Kidnapping, nawawala, NPA, PNP-CIDG, recruitment, Ronald dela Rosa, Anakbayan, estudyante, hearing, immersion, Kabataan Partylisy, Kidnapping, nawawala, NPA, PNP-CIDG, recruitment, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.