Jones pinagmulta dahil sa headbutt kay Ross

By Len Montaño August 11, 2019 - 03:01 AM SHARE(S):

Pinagmulta ng PBA si TNT import Terrence Jones dahil sa headbutt kay San Miguel guard Chris Ross sa Game 3 ng finals.

Unang tinawagan ng flagrant foul 1 si Jones dahil sa headbutt nito kay Ross sa first quarter ng laban noong Biyernes kung saa nanalo ang Ka Tropa.

Pero itinaas ito sa flagrant foul 2 ng PBA araw ng Sabado.

Dahil flagrant foul 1 ang unang itinawag ay naiwasan tuloy ni Jones ang ejection sa naturang laro.

Gayunman pinatawan ito ng multa na P20,000.

Pinagmulta naman ng P5,000 ang Beermen forward na si Christian Standhardinger dahil sa flagrant foul 1 nito kay Jones.

Naging pisikal at mainitan ang laban ng dalawang koponan hanggang sa Games 3 kung saan naitala ng TNT ang 2-1 lead.

Samantala, nakatakdang parangalan si Jones bilang Best Import habang papangalangan na rin ang Best Player of the Conference bago magsimula ang Game 4 Linggo ng gabi.

 

TAGS: Best Import, Best Player of the Conference, Chris Ross, Christian Standhardinger, ejection, flagrant foul 1, flagrant foul 2, PBA Finals, pinagmulta, Terrence Jones, Best Import, Best Player of the Conference, Chris Ross, Christian Standhardinger, ejection, flagrant foul 1, flagrant foul 2, PBA Finals, pinagmulta, Terrence Jones

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.