MMDA: Yellow lane sa EDSA tuloy pa rin

Hindi nagpatinag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga reklamo laban sa yellow lane policy na layong maibsan ang matinding trapik sa EDSA.

Sa kabila ng mga reklamo laban sa polisiya kung saan mayroong nakalaang lane para sa mga city buses, sinabi ng MMDA na ipagpapatuloy nila ang implementasyon nito.

Ayon kay MMDA traffic chief Bong Nebrija, kailangan na may parte ang lahat para matugunan ang trapik sa EDSA,

Dapat anyang mag-adjust ang lahat kabilang ang mga driver ng bus at pribadong sasakyan.

Ilang beses nang sinabi ng MMDA na hindi dapat sisihin ang yellow lane policy.

Binabatikos ang polisiya dahil sa umano pagiging anti-poor nito dahil ang naiipit sa trapik ay ang mga ordinaryong mamamayan na mga pasahero ng bus.

Umalma rin ang mga grupo ng mga city buses dahil maliit na porsyento lamang umano sila kumpara sa mas maraming pribadong sasakyan na nagdudulot ng trapik sa EDSA.

Araw ng Sabado ay naging mas maluwag ang galaw ng mga bus sa yellow lane na ayon sa MMDA ay patunay na nananatiling hindi tiyak at pabago-bago ang daloy ng trapiko sa EDSA.

 

Read more...