Dating PBB housemate hinamon ng suntukan at sinuhulan ang mga pulis sa Makati

By Len Montaño August 10, 2019 - 11:44 PM

Makati Police Station photo

Nahaharap sa patong-patong na mga kaso ang aktor at dating housemate ng Pinoy Big Brother na si Kenzo Gutierrez matapos nitong hamunin ng suntukan ang suhulan ang mga pulis sa Makati City Sabado ng umaga.

Rumesponde sina Staff Sgt. Allan Agbayani at Cpl. Jonathan De Guzman ng Makati Police Community Precinct 4 sa ulat na may lasing na nagwawala at kaaway ang isang gwardya sa Pasong Tamo Extension, Barangay Magallanes.

Pero habang pinapakalma ang suspek na Karlos Lorenzo Gutierrez sa tunay na buhay, minura nito ang mga pulis at hinamon ng suntukan.

Dahil dito ay inaresto si Gutierrez at dinala sa Makati police station.

Nabatid na tinangka pa ni Gutierrez na suhulan ng P2,000 ang mga pulis.

Ayon kay Major Gideon Ines, director ng Makati City Police Station Crimes Against Person Section, sumailalim na sa inquest proceedings ang suspek.

Nahaharap ito sa kasong alarm and scandal, disobedience to person in authority at bribery.

Si Gutierrez ay dating housemate ng PBB 737 Teen noong 2015.

 

TAGS: hinamon, Kenzo Gutierrez, lasing, Makati, PBB housemate, Pulis, sinuhulan, suntukan, hinamon, Kenzo Gutierrez, lasing, Makati, PBB housemate, Pulis, sinuhulan, suntukan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.