Ilang kabahayan sa Mandaluyong nasunog

By Len Montaño August 10, 2019 - 10:22 PM

Screengrab of Culaban Pates Marilou video

Dahil sa problema sa kuryente, ilang kabahayan ang nasunog sa Mandaluyong City Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog sa residential area sa Agudo Street, Barangay Baranka Drive alas 7:22 ng gabi.

Dakong 8:08 ng gabi ay nagdeklara ng fire out at tuluyang naapula ang sunog bandang 8:43 ng gabi.

Walang casualty o nasugatan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Magpapalipas ng magdamag ang mga nasunugan sa Pedro Cruz Elementary School.

Wala pang pahayag ang mga otoridad sa halaga ng natupok na mga ari-arian.

 

TAGS: Barangka Drive, Kuryente, Mandaluyong, residential area, sunog, Barangka Drive, Kuryente, Mandaluyong, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.