Bela Padilla, nadismaya sa isang Grab driver

By Marlene Padiernos August 10, 2019 - 07:21 PM

Nagpahayag ng pagkadismaya sa social media ang aktres na si Bela Padilla matapos na ipagkalat ng Grab driver na kanyang nasakyan ang address ng kanyang tinutuluyan.

Gamit ang kanyang Twitter account, ikinwento ng aktres sa kanyang tweet na narinig niya ang driver na itinawag nito sa “Grab radio” ang kanyang address.

Agad namang humingi ng paumanhin ang Grab Philippines nang makarating sa kanila ang reklamo.

Nakasaad sa polisiya ng Grab Philippines na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapakalat ng mga personal na impomasyon ng kanilang mga pasahero tulad ng address, phone numbers at pictures.

TAGS: Bela Padilla, Grab, Grab Philippines, Grab radio, privacy, Bela Padilla, Grab, Grab Philippines, Grab radio, privacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.