22 katao patay sa pagguho ng lupa sa Myanmar

Nasa 22 katao ang naitalang nasawi sa nangyaring pagguho ng lupa bunsod ng sunud-sunod na mga pag ulan sa bansang Myanmar.

Araw ng Biyernes, August 9 nang mangyari ang pag bulusok ng kalupaan sa bayan ng Thae Pyar Kone, Mon State sa Myanmar na sumalanta sa 16 na kabahayan .

Ayon sa Search and rescue team sa lugar, nasa 47 katao na ang naitalang sugatan habang nasa 100 katao pa ang pinaniniwalaang nawawala hanggang ngayon.

Gamit ang isang drone, nakita ng mga kinauukulan ang kabuuang pinsala sa lugar kabilang na ang ilang kabahayan at mga truck na natumba dahil sa lakas ng impact ng nasabing landslide.

Kaninang umaga naman ay nagsimula na ang rescue team na isaayos ang mga labi na kanilang nakita habang ang Emergency crews naman ay nagsimula naring linisin ang nasa 1.8 metro ng putik na bumara sa mga pangunahing kalsada sa lugar.

Binalaan naman ng mga otoridad ang mga karatig bayan sa posibleng pagtaas ng tubig dahil malakas na mga pagulan na nagresulta sa pagkasira ng mga riverbank sa bansa.

Samantala, ang mga residente naman sa bayan ng Shwegyin sa silangang bahagi ng Bago region ay nakaranas ng hanggang bewang na pagbaha dahil din sa pagkasira ng mga riverbanks sa lugar.

Read more...