Gilas Pilipinas natalo sa Torneo De Malaga sa Spain

By Noel Talacay August 10, 2019 - 05:51 PM SHARE(S):

Natalo ang national team ng Pilipinas sa basketball sa ginawang Torneo De Malaga sa bansang Spain ngayong araw.

Naging katunggali ng Gilas Pilipinas ang koponan mula sa bansang Congo.

Sa first half ng laro, nanguna ang score ng mga Pinoy players na agad namang nahabol ng kanilang kalaban sa huling bahagi ng game.

Nanalo ang Basketball team ng Congo laban sa Gilas Pilipinas sa score na 82-71.

Malalaman ang susunod na kalaro ng Gilas Pilipinas matapos maglaban ang Ivory Coast at Spain.

Ang Gilas Pilipinas ay naglalaro ngayon bilang paghahanda para sa gagawing FIBA World Cup na gaganapin sa bansang China.

TAGS: Congo, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas final 12, Torneo De Malaga, Congo, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas final 12, Torneo De Malaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.