Oil companies may price rollback sa diesel at gasolina

By Jimmy Tamayo August 10, 2019 - 11:40 AM SHARE(S):
File photo

Magpapatupad ng bawas presyo ang ilang mga kumpanya ng langis.

Naunang nag-anunsyo ang Caltex na magtatapyas ng P1.10 sa bawat litro ng diesel; P0.55/liter naman ang ibabawas sa kanilang Platinum at Silver gasoline at P1.30/liter sa kerosene.

Ang price rollback ng Caltex ay magiging epektibo sa Martes, August 13, 2019.

Mas maaga namang ipatutupad ang bawas presyo ng Phoenix Petroleum.

Aabot sa P1.10 per liter ang bawas presyo ng Phoenix epektibo ngayong Sabado, alas 2:00 ng hapon.

Nasa P0.50 per liter naman ang ibabawas sa presyo ng gasolina ng Phoenix.

Inaasahang susunod rin sa price rollback ang iba pang mga oil companies.

Sa nakalipas na tatlong linggo ay sunud-sunod ang mga ipinatupad na oil price increase ng ilang kumpanya ng langis.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, Phoenix, Shell, BUsiness, diesel, gasoline, kerosene, Phoenix, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.