Malaking bahagi ng Luzon makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa Habagat

By Rhommel Balasbas August 10, 2019 - 05:46 AM

Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon dahil pa rin sa Habagat na hinahatak ng Bagyong Hanna kahit nasa labas na ito ng bansa.

Sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometro Hilaga ng Basco, Batanes.

Tumama na ang Bagyong Hanna sa eastern side ng China malapit sa Shanghai.

Binabantayan din ng PAGASA ang Typhoon Krosa na nasa layong 2,025 kilometro Silangan ng Basco, Batanes o nasa labas pa ng PAR.

Halos hindi kumikilos ang Typhoon Krosa sa kinalalagyan nito at wala namang direktang epekto sa bansa.

Ngayong araw, makararanas ng madalas na mga pag-ulan dahil sa Habagat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Central Luzon Metro Manila, CALABARZON, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Magiging maulap naman ang kalangitan sa Bicol Region at MIMAROPA na may kalat-kalat na pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao, magiging maganda at maalinsangan na ang panahon na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms

Samantala, nakataas pa rin ang gale warning at bawal ang paglalayag sa seaboards ng Luzon at Visayas, northern at eastern seaboards ng Mindanao

TAGS: #HabagatPH, monsoon rains, Pagasa, Typhoon Lekima, #HabagatPH, monsoon rains, Pagasa, Typhoon Lekima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.