NDRRMC: 18,000 pamilya naapektuhan ng monsoon rains

By Rhommel Balasbas August 10, 2019 - 03:57 AM

Umabot sa 18,045 pamilya o 72,802 na indibidwal sa ilang rehiyon ng bansa ang naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng Habagat na hinatak at pinalakas ng Bagyong Hanna.

Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong pamilya ay mula sa Regions I, III, and Region IV-B (Mimaropa).

Labing-anim na bahay ang nagtamo ng pinsala at 553 pamilya o 2,377 indibidwal ang inayudahan ng gobyerno at loob at labas ng mga evacuation centers.

Ayon sa NDRRMC, nasa P1.6 milyong halaga ng tulong na ang naipaabot sa mga apektadong pamilya.

Hanggang kahapon, araw ng Biyernes, nakaranas ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas ng malalakas na pag-ulan.

Ito ay naging dahilan para suspendihin ng Palasyo ng Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at paaralan sa buong Metro Manila.

 

TAGS: bagyong hanna, evacuation centers, habagat, NDRRMC, P1.6M tulong, pag-uulan, bagyong hanna, evacuation centers, habagat, NDRRMC, P1.6M tulong, pag-uulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.