Nora Aunor may malaking ‘comeback movie’ kasama si Phillip Salvador

Dennis Evangelista photo

Magandang balita sa mga Noranians, mayroong comeback movie ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama sina Phillip Salvador at Michael de Mesa.

Ito ay matapos gumawa ang aktres ng anim na pelikula noong 2016, pinakahuli ang Metro Manila Film Festival entry na Kabisera.

Ang pelikula ay may pamagat na “Isa Pang Bahaghari” sa ilalim ni Direk Joel Lamangan.

Iikot ang istory sa 65 anyos na retiradong seaman na gagampanan ni Phillip, na kasama ng baklang best friend na si Michael, ay uuwi sa kanyang may kapansanan na misis na gagamapanan ni Ate Guy.

Kasama rin sa cast si Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Albie Casiño at iba pa.

 

 

Read more...